Im finally home.
After 4days sa St. Luke’s, and
after one major surgery, heto na ulit ako, nagtataype at sumusubok mag-update
ng blog . :)
Maraming salamat sa lahat ng
dumalaw sa ospital, nagtext, nag-alala
at nagdasal para sa aking paggaling.
Ok nako, nakakapaglakad na
paunti-unti at patuloy nang lumalakas.
Bumabalik na ang aking kadaldalan
at kaya nang magsungit. Hindi pa nga lang makatawa kasi masakit pa ang sugat.
Excited na akong gumaling kasi
gusto ko nang bumalik sa UP, sa masscomm at sa dating abala kong buhay.
Nakakalungkot na nung Martes ng
gabi, tumigil ang mundo ko. Literally. Bitter ako sa pagkatalo ni Bikoy, at ng
iba pang STAND UP-CMC candidates. Bilang nakasama ko sila araw-araw sa loob ng
halos isang buwan simula sa training, kampanya, assessments, bonding, etc.,
sobrang masakit para sakin ang hindi sila manalong lahat. I’ve seen how hard
all of them worked, and I know that they are all capable to lead and serve
MassComm. It’s weird that after that night, ngayon ko mas nararamdaman ang
bitterness at depression. Kasi nga, my world literally stopped moving. I was
rushed to the hospital nung Wednesday morning, I underwent the surgery last
Thursday at minanhid ako ng anesthesia hanggang Biyernes. Nung nawala yung
epekto ng anesthesia, wala naman akong ibang maramdaman kundi sakit ng sariwa
pang sugat sa tyan ko. At ngayong nakakapagtext nako at nabubuksan ko na ulit
ang mail ko, mga friendster, multiply at blogs ng mga tao, nagsisink in sakin
ang ‘parang tinakasan’ kong sakit nung Martes ng gabi.
PERO.
Sabi nga ng isang kasama, we
will not run out of reasons to exist, persist and struggle.
I am currently lost sa mga
pangyayari, pero pramis, magpapalakas ako at babalik ako.
Muli, maraming salamat sa lahat
lalong-lalo na sa moral support at sa pagpaparamdam na andyan pa rin kayo.